comeso

Madalas na mga katanungan at kasagutan tungkol sa mga karapatan sa pagdadownload at pag-uupload

Tungkol sa panunuod / pagdadownload / pagsistream ng mga content ng illegal na websites

Streams lang ang pinapanuod ko kaya hindi ito problema

Ang panunuod ng illegal streams ay pinagbabawal dahil isa itong malaking problema para sa mga nagmamay-ari ng copyright. Akala ng karamihan ay hindi ito illegal kaya ang kolektibong paggamit nito ay laganap.
Kung nag-eenjoy ka sa pag-sistream ng iyong pinapanuod, mas mabuti pang gumamit ka ng mga legal na serbisyo sa iyong lugar para masuportahan ang paglikha sa hinaharap ng mga gusto mong content.

Sinasabi nito na sila ay isang legal na website

May mga website na nagsasabi na lehitimo o legal o ang ginagawa nila ay legal sa ilalim ng "fair use" o kaya naman ay para sa layunin ng promosyon. Sinasabi nila ito upang hindi ka mag-alinlangan sa paggamit ng kanilang website. Nakapapanatag nga naman ng kalooban kapag nakasulat na 100% na legal ang website na ating ginagamit.
Ang mga website na nagsasabi ng tulad nito ay paniguradong illegal at gumagawa lamang ng paraan upang makapangloko ng mga light internet users.

Akala ko legal ang website na ginagamit ko

Maraming fans na ang naloko sa paggamit ng mga illegal na website. Isang paraan para malaman kung legal ba ang website na iyong ginagamit ay ang pagtingin kung kasama ito sa listahan ng mga legal na streaming services: get-animes.com (para sa Japanese animes), get-dramas.com (para sa Asian dramas).

Marami ang gumagamit ng illegal na website kaya wala namang masama kung gagayahin ko din sila

Hindi dahil ginagawa ng iba ay gagawin mo na din. Kung nag-eenjoy ka sa pinapanuod mo, mas maiging magbigay suporta sa nagmamay-ari ng copyright sa pamamagitan ng paggamit ng mga legal services tulad ng Video on Demand services.
Kung walang magbabayad para sa mga content na pinapanuod, paano kaya makagagawa ng panibagong palabas o content?
Sa pagsuporta ng mga legal na websites, ito'y nagbibigay-daan para makagawa ang mga content creators ng bagong palabas. Walang rason sa hindi pagtangkilik sa mga legal websites dahil naglalabas sila ng libreng content para sa fans.

Wala akong pambayad ng subscription fee

Makatwiran naman ang subscription fee ng mga legal na website. Kadalasan nga hinahayaan nila mapanuod o mabasa muna ang unang parte bago nila pagbayarin ang user.
Ganito nalang ang isa-isip mo, tayong mga Pilipino ay gumastos para sa mga bagong cellphone o kaya ay para sa mga pansariling libangan. Bakit kaya hindi natin kayang pagkagastusan ang mga legal na website na nagbibigay kasiyahan din saatin? Kung sa sumatotal ay maliit na bagay lamang ito. At sa pagpapatuloy ng ganitong pag-iisip, makatutulong tayo sa mag content creators para ipagpatuloy nila nag paglikha ng mga bagong palabas.

Pag-uupload ng illegal na kopya / pagpapatakbo ng illegal na website

Naglilink / nag-eembed lang naman ako kaya wala akong pananagutan sa kahit na ano

Ayon sa kamakailang desisyon ng korte sa ilang bansa, kapag alam mo na ang content na in-embed / ni-link mo ay illegal, ikaw ay may pananagutan kapag hindi mo ito tinanggal.
Hindi nag-uupload ang mga nagmamay-ari ng copyright ng kanilang mga content sa filehosting o sa streaming na mga websites, lalo't walang mahigpit na geoblocking. At hindi pangkaraniwan na ang mga official uploads ay maaaring i-embed sa mga third party na website.

Ginagawa din naman ng ibang tao, ibig sabihin ay ayos lang

Ang mga illegal na gawain ay di mapagtatakpan para magmukhang legal na gawain.
Ang hindi maagap na pagsuway sayo ng nagmamay-ari ng copyright ay di katunayan na ikaw ay pinahihintulutan niya para gamitin ang kaniyang content.

Pinopromote ko lang ang content kaya wala namang pinsalang nagagawa ito

Ang pagpopromote ay ginagawa lamang ng mga opisyal o partner ng nagmamay-ari ng copyright. Ang pag-uupload ng buo o full content ay hindi promosyon lalo na't kung walang tamang awtorisasyon.
Kapag in-upload nang buo o full ang content, wala nang gagamit ng mga official o legal websites kaya ito nakapipinsala sa mga nagmamay-ari ng copyright.

Kami ang nagtala / nag-edit / nag-sub / nag-dub sa mga palabas na ito kaya kami ang nagmamay-ari ng mga ito

Maski in-edit ang mga content para magmukhang sariling gawa niyo, ang pinakanilalaman nito ay hindi niyo padin pagmamay-ari dahil wala kayong awtoridad na gamitin ito. Sa madaling salita, ang inyong ginawa ay illegal at wala kayong karapatang ipamahagi ang inyong ginawa sa ibang tao.

Tinutulungan ko lamang ang mga fans na tulad ko sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga link (parang katulad lang ni Google)

Ang pagredirect sa mga fans sa legal na website ang tama dahil ang pagbabahagi ng illegal na link ay nangangahulugan na nagbibigay suporta ka sa mga illegal na gawain. Maksi anong uri ng pagtulong sa mga illegal na websites ay itinuturing na krimen (maski Google, nagtatanggal din ng mga illegal na resulta).

Dapat bigyang suporta ang mga legal services. Dahil dito, matutulungan natin ang mga lehitimong kumpanya upang maipakalat ang kanilang content at makumbinsi natin ang ibang fans na magbigay din ng suporta sa official release.

Piniratang DVDs / Burned DVDs / Personal na kopya

Hindi masama magdownload / bumili ng buong palabas basta ito ay pansarili lamang

Sa mga nakaraang taon, tuluyang bumagsak ang benta ng mga opisiyal na DVDs / Bluray dahil sa illegal na pamamahagi nito. Hindi tama ang pagdadownload ng buong series gamit ang illegal na pamamaraan, maksi pansarili lamang ito. Lalo't hindi nakatutulong sa sitwasyon ang pagburn nito.
Ang burned DVD o piniratang DVD na nabibili sa kalsada ay sumusuporta sa illegal na distribusyon. Ito ang sumisira sa gawa ng content creators at nagpapabagsak ng benta ng mga lokal distributors sa inyong bansa. Kaya kapag may opisyal na release, dapat iyon ang inyong tangkilikin.

Ang patuloy na hindi pagbibigay suporta sa opisyal na release ay maaaring maging dahilan ng mga nagmamay-ari ng copyright o lokal distributors na itigil na ang pagrelease ng panibagong content. Kung mangyari man ito, ang mga fans ay wala nang ma-eenjoy na content.

Hangga't wala pang opisiyal release, walang masama sa pagbili ng piniratang DVD

Sa katunayan sadyang mababa ang kalidad ng illegal DVD kumpara sa opisyal na release. At may iba pa namang paraan upang makapanuod ng animes at dramas na high ang quality at pasok sa badyet, katulad ng pagsubscribe sa mga Video-on-Demand services. Hindi man eto pisikal na kopya, masaya at kontento ka makapapanuod dahil maganda ang quality at mas mura pa sa pagbili ng isang piniratang DVD. Hindi mo na kinakailangan lumabas pa ng bahay para makapanuod dahil napakadali lang magsubscribe sa mga VOD services.

Sa panahong ito, halos lahat ng bagong palabas ay available na sa iba't-ibang VOD services o legal streaming websites. Kaya walang rason para sabihing, "hindi ito available saamin."
Panigurandong maayos ang translation kapag sa mga VOD services ka nanunuod, kadalasan kasing malayo ang translation sa mga piniratang kopya. Sa panunuod ng legal, sinusuporatahan mo ang mga likha ng content creators, ang mga aktor ng pelikula, at lahat gumawa ng content.

Nais ko sang mapanuod ang series ngunit mahal ang pisikal na kopya

Nakabase sa dami ng inaasahang bibili ang presyo ng opisyal na produkto kaya kung mas marami ang bibili ng illegal, ito'y mas tataas pa. Sa kabilang banda, kung hindi nila tataasan ang presyo sila'y malulugi sa laki ng kanilang ginastos upang makapagrelease ng isang content.
Posible padin namang makapanuod nang hindi mabigat sa bulsa sa pamamagitan ng mga VOD services. Eto ang listahan ng mga legal na services: get-animes.com (para sa Japanese animes), at sa get-dramas.com (para sa Asian dramas, variety shows at mga pelikula).

Tataas ang kinikita ng mga producers ng mga orihinal na content kapag tuloy-tuloy ang pagbibigay suporta sa mga legal websites. Kung kaya ang alternatibong paraan ng panunuod ng mga content ay dapat mapalaganap upang masiguro na magpapatuloy ang paggawa ng high quality at pangmalawakang legal na distribution.

Tungkol sa mga kumpanya (publisher, kumpanya ng produksyon, nagmamay-ari ng copyright, atbp.)

Gusto ko sanang mapanuod sa TV pero wala akong subscription sa channel na iyon

Kinakailangan padin nating magbayad ng fee para makapagdagdag tayo ng channel sa ating regular na subscription dahil itong mga network providers ay kailangan din magbayad ng fee para makakuha ng channel na galing sa ibang bansa o para makalisensya at payagan na makapagpalabas ng material ng ibang bansa.
Kung sakaling hindi mo ninanais magbayad, mayroon din namang mga series na pinapalabas ng libre sa inyong lokal na istasyon sa TV ngunit ito ay maaaring dubbed na.

Kapag sinabing "legal" ibig sabihin ay kailangan gumastos ng malaki

May ilang bilang ng libre na legal na websites na available sa iba't ibang bansa --mga websites na kumikita dahil sa advertisements. Kapag sinabing "legal services" ay hindi naman nangangahulugang ito ay magiging magastos. Halimbawa, ang presyo ng mga legal services na ito ay maaaring magsimula sa halagang Php 130.00 kada buwan, na may trial muna ng isang buwan. Pero kailangan din nating isaalang-alang kung bakit ang ibang legal na website ay may mataas na subscription fee, isang halimbawa ay dahil nagbabayad din sila ng fee para magkalisensya, atbp.

Para sa kumpletong listahan ng mga legal na website sa inyong bansa, pumunta sa get-animes.com (para sa Japanese animes), at sa get-dramas.com (para sa Asian dramas, variety shows at mga pelikula).

Ang mga legal na website ay gumagamit ng mabagal na servers at mas matagal silang mag-upload ng bagong episodes

Ang mga kumpanyang ito ay ginagawa ang lahat ng abot ng kanilang makakaya upang maibigay ang panunuod na may high quality experience kung kaya sila ay natatagalan sa pagrelease ng kanilang content. Sinisiguro nila na ang mga subtitles at iba pang aspeto ng palabas ay high quality, na hindi naman kayang ibigay ng mga illegal na website (kahit minsan ay mas nauuna pa silang mag-upload kaysa sa opisiyal release). Kaya dapat ay maging matiyaga tayo sa paghihintay ng high quality content. Para sa gayon ay masiyahan tayo ng lubos sa panunuod.

Ang series na gusto ko sanang panuorin ay wala sa website na ito

Baka naman kailangan lang mag-upgrade dahil may mga palabas na available lamang para sa mga paid subscribers.
O kaya ay gumamit ng ibang legal service kung hindi available doon ang iyong hinahanap.
Isang pang alternatibo, kung hindi mo ninanais magbayad, ay manuod sa mga libre na legal services (na kumikita sa pamamagitan ng paid advertisements).

Para sa kumpletong listahan ng legal services na may Asian dramas / variety shows / mga pelikula: get-dramas.com
Para sa kumpletong listahan ng legal services na may animes: get-animes.com

Illegal ang website na ginagamit ko pero maganda naman ang videos

Madaming legal na VOD services ay may high quality videos din.
Dahil ang piracy ay illegal, ang mga illegal na website na ito ay kadalasang hindi ma-access dahil sa mga aksyon laban sa piracy.
Hindi mo ito mararanasan kung mga legal na website ang iyong ginagamit.

Makipag-ugnayan sa amin

Kung mayroong ibang katanungan o kung gusto mong magpadala ng mensahe, punan ang inquiry form sa baba. Mabilis naming tutugunan ang iyong inquiry.

© 2011-2025 comeso GmbH